Balikan Natin by IrishThis is a featured page

yeehhey

Lahat ng tao ay gustong magkaroon ng kaibigan. Kaibigan na nais niyang matawag na "Bes",
"Sis","Bez" at kung ano-anu pang maaaring itawag. Kasama sa tawanan, kulitan, asaran
at biruan. Mga taong minahal natin sobra pa sa ating mga sarili at sa mga mahahalagang bagay
tulad ng ating pamilya at sa ating pag aaral. Ibinigay ang lahat ng oras natin para sa kanila ngunit
bakit laging sinusubok ng tadhana ang tatag ng ating pagkakaibigan. Kung saan nais na nating sumuko
dahil sa mga problemang ito. Ayaw nating masaktan ang isa't isa kaya't kailangan nating umiwas
para wala ng mangyaring hindi natin magugustuhan.

Balikan natin ang ating mga kaibigan noong bata pa tayo......

Sila ang ating mga kaibigan na kalaro natin pagkatapos ng eskwela. Mga kaibigan na sinusundo
ka pa sa inyong bahay at ipinapagpaalam upang maglaro ng basketbol, langit lupa, patintero at
takbuhan. Mga laro na nakatatawang pakinggan ngunit nagbigay ng tuwa sa ating mga puso.
Ang mga kalaro natin na ating inaaway kapag hindi tayo nananalo at sabihin pang mandaraya
Isinusumbong sa nanay kapag tinutukso at sinira ang iyong laruan . Tumatakas sa
bahay kapag hindi pinalalabas kapag hindi natulog ng tanghali.at sa mga pag hingi-hingi ng piso . Mga pagkakataon na hindi natin
makalilimutan. Kasama ang ating mga kaibigan kahit na mayroong pagkakataon na hindi tayo
nagkakaintindihan sa kadahilang wala pa tayo sa ating tamang pag iisip.
Mga kaibigan natin sa iskwela…


Mga kaklase na ating kakwentuhan habang nagkakaklase ang ating mga guro. Kasama tuwing
"recess" at "lunch break". Katawanan at sinasabihan ng ating mga "crush". Nagpapairal ng ating
ka ulolan at kabobohan. Mga kaibigan na kasama sa library upang gumawa ng takdang aralin.
Kasamang ginuguhit ang mukha ng nagagalit nating titser. Mga kaibigan na tinanggap tayo bilang
kung sino tayo. Mga kaibigan na minahal tayo hindi dahil sa ating mga laruan kundi dahil sa
oras na kanilang ibinibigay para sa atin. Kasamang bumabali ng ating mga lumang krayola upang
magpabili ng bago sa ating mga magulang. Ginagawang "scratch paper" ang likod ng ating mga bagong
"notebooks". Hinihingian natin ng papel tuwing may quizzes at test. Mga simpleng bagay na tumatak
at nagbigay ng kulay sa ating mga muwang na isipan.


Mga Kaibigan sa hayskul...


Ang mga kaibigan na kasama na natin habang tayo ay nabubuhay dito sa mundong ibabaw. Mga
na kakopyahan natin tuwing may quizzes at sa pag hingi-hingi nang ¼ o longpad. Kasama natin sa lakwatsya at paggala sa plaza
Kasabay sa pag uwi at kakain ng mga kakanin sa kalye (buko, kwek-kwek,bbQ etc)
hanggang mapudpod ang mga gamit nating tsinelas. At
karamay sa lahat ng problema. Sinasabihan ng ating mga saloobin at nararamdaman. Mga taong
kailan may hindi na natin malilimutan. Mga taong nagbigkis sa ating mga puso. Karamay mo kahit sa
mga problemang nais mo ng sumuko at sandalan mo tuwing nawawalan ka na ng pag-asa. Mga
taong tinatawag mong barkada na nagpapairal din ng iyong mga kabaliwan. Kahalakhakan magdamag,
katext hanggang mapudpod ang ating mga daliri. Kasama sa piktsuran (picture) at kajamming hanggang
umaga. Kahit na mayroon paring pagkakataon na hindi tayo nagkakaintindihan mayroon paring mga
solusyon na tiyak na magkukrus sa ating mga landas. Tatanggapin ang pagkakamali ng bawat isa at patuloy na lalakbayin ang buhay bilang magkakaibigan.

Mga kaibigang tunay na nagpatatag ng ating sarili at nagpakita ng tunay na pagmamahal. Ang pagmamahal
ng bawat isa ang nagpapatatag ng ating pagkatao. Tumutulong sa atin upang ipagpatuloy ang buhay sa kabila
ng mga problema na nasa kabila nito. Mga kaibigang kaakbay natin tungo sa tunay na pagmamahalan.






troy789
troy789
Latest page update: made by troy789 , May 10 2008, 10:29 AM EDT (about this update About This Update troy789 Edited by troy789

1 image added
1 image deleted

view changes

- complete history)
Keyword tags: None
More Info: links to this page
Started By Thread Subject Replies Last Post
troy789 Mis ko na 0 May 10 2008, 10:40 AM EDT by troy789
Thread started: May 10 2008, 10:40 AM EDT  Watch
sayang wahaha..
sana maulit muli.. hehehe
sarap ng mga kalokohan ng mga francis>.<
Do you find this valuable?    
Keyword tags: None
troy789 WAaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa 0 May 10 2008, 10:17 AM EDT by troy789
Thread started: May 10 2008, 10:17 AM EDT  Watch
grabeh ang haba......
inspired ah
Do you find this valuable?    
Keyword tags: None
Showing 2 of 2 threads for this page
JPEG Image 16.jpg (JPEG Image - 6k)
posted by troy789   May 10 2008, 10:19 AM EDT
This attachment has no description.